Customer Support Service
FAQ
Paano magbukas ng demo (practice) account?
Ang demo accounts ay libre at walang expiration date. Pero, kung ang demo account ay hindi nagamit ng mahigit 14 na araw, ito ay mabubura. Ang demo account ay pwedeng i-register sa isa sa mga sumusunod na paraan:
1. Habang ikaw ay nagse-set up at nagla-launch ng MetaTrader 4 o MetaTrader 5. Ang demo account registration form ay lalabas sa unang pag-launch ng trading platform. Pagkatapos makumpleto ang registration, ang detalye ng demo account ay ipapakita sa screen. Makakatanggap ka rin ng mensahe na may account logins sa internal mail sa trading terminal. Ang mensahe ay makikita sa “Mailbox” tab ng “Terminal” panel.
2. Sa MetaTrader 4 at MetaTrader 5 anumang oras. Ang demo account registration form ay pwedeng buksan gamit ang commands na “File” – “Open an Account,” o sa pag-right click sa “Accounts” sa “Navigator” panel at pagpili ng “Open an Account” sa menu.
3. Ang МТ4 at МТ5 demo accounts ay pwede ring i-register sa Trader’s Office ng live account – i-click ang “Open MT4 Demo Account” o “Open MetaTrader 5 Demo Account” doon.
Nakalimutan ko ang password para sa demo account ko. Anong dapat kong gawin?
Pagkatapos ng demo account registration, ang MetaTrader logins ay ipinapadala sa pamamagitan ng internal mail sa trading terminal. Paki-check kung nasa mailbox pa ang registration letter (ang “Mailbox” tab sa “Terminal” panel). Kung wala na ang password doon at hindi mo na ito matandaan, puwede kang magbukas ng bagong demo account. Ang mga password ng demo account ay hindi na mare-recover.
Kailangan ba ng mga dokumento para sa account registration?
Walang kinakailangang dokumento para sa pagrehistro ng account. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ang beripikasyon ng account, kung saan ibinibigay ang scan copies ng 2 dokumento – isang photo ID at isang proof of residence na nakalagay sa trading account registration form.
Paano ako mag-log in sa Trader’s Office?
Ang Trader’s Office ay matatagpuan sa https://account.nordfxmalaysian.com, o puwede mong gamitin ang “Log In” sa kanang itaas na bahagi ng website ng kumpanya. Para ma-access ang Trader’s Office, ilagay ang login (account number) at ang trader’s password.
Bakit hindi ako makapag-log in sa Trader’s Office?
Saan ko makikita ang account information ko?
Ang “Personal Settings” section ng Trader’s Office ay naglalaman ng iyong personal na data at ang pangunahing account parameters (balance, account type, selected credit leverage). Dito mo puwedeng piliin kung saan ililipat ang pondo – sa Trader’s Office o sa MT4. Kung hindi, ang pondo ay awtomatikong ikinikredito sa MT4 balance.
Para sa karagdagang seguridad, puwede kang maglagay ng listahan ng IP addresses kung saan puwedeng ma-access ang Trader’s Office. Gumamit ng delimiter para maglagay ng IP addresses – isang comma, space o bagong linya.
Paano ako makakapag-deposit?
Ang trading account ay pwedeng pondohan sa pamamagitan ng bank transfer, VISA at MasterCard, online payment systems (hal. Skrill, NETELLER, PayWeb, Payza at iba pa) o isang online exchange service. Para mag-deposit, mag-log in sa Trader’s Office, pumunta sa “Financial Operations” – “Funds Deposit,” piliin ang angkop na payment system at mag-submit ng request.
Tandaan na kung gagamit ka ng bank card para mag-deposit, kailangan munang ma-verify ang iyong bank card at trading account. Ang account verification ay ginagawa sa “Upload Documents” section at ang card verification – sa “VISA and MasterCard Verification” section ng Trader’s Office.
Ang NordFX AML Policy ay makikita sa: https://nordfx.com/aml-policy.html
Nag-deposit ako pero hindi na-credit ang pondo sa account balance ko. Ano ang dapat kong gawin?
Kung nag-deposit ka pero hindi ito lumabas sa trading terminal balance, mag-log in sa Trader’s Office at mag-iwan ng notification kasama ang transfer details sa “Lost Transfer Notification” section doon. Pagkatapos nito, ang pera ay maikikredit sa iyong account balance sa loob ng isang business day. Kung hindi ito mangyari pagkatapos ng isang business day, mag-send ng email sa Finance Department sa: finance@nordfx.com para sa clarification.
Gaano katagal ang pagproseso ng mga withdrawal request?
Ang lahat ng withdrawal requests ay pinoproseso araw-araw mula 9:00 hanggang 18:00 CET. Ang mga withdrawals ay hindi isinasagawa tuwing weekends at holidays. Kung ang withdrawal request ay naisumite pagkatapos ng 18:00, ito ay ililipat sa susunod na business day.
Sa kaso ng online payment systems, ang pondo ay agad na ikinikredito sa iyong account pagkatapos ma-handle ang withdrawal request. Ang mga transfer sa VISA at MasterCard bank cards ay tumatagal ng 5-6 business days, at ang bank transfer ay tumatagal ng 3-5 business days sa karaniwan.
Spoorstraat 17P, Amersfoort, 3811MN, Netherlands
Tawagan Niyo Kami
客服1001: 878920340
客服1002: 2923517958
客服1003: 1448329668